<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6306467917162010024?origin\x3dhttp://surreptitious-thoughts.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
TANGA KA BA SA PAG-IBIG?
May Expiration Date Yan. Antayin Mo Lang.

THE BLOGGER

The name is ELY. Pronounced similar to Alley but I don't live in alleys and neither could I be found there. I'm in love with Century Gothic, Kristen ITC and Rage Italic. And, abit of Tahoma. They're famous, like obviously you'll know who they are. I'm a die-hard fan of White, Pink and Gray. Not much of Black. Chocolate and Cheese are my two best friends, they're always by my side whenever I need them. My greatest enemies are Liar, Backstabber, Hypocrite and Nag. I hate them alot. World would be sucha better place without them all.

bold underlined strikethrough italic


WHEN HEART SPEAKS

"Sometimes you just need
one song to speak for
what you truly feel"


Sweetdesires

Did I hear someone said "cheese" or "chocolate"?

Ben & Jerry's Ice-Cream
Ipod Touch
Cinema: Watch Legion
Part-time Sales Assistant Job
That Handbag from Prada
Your wishes here


Tagboard

cbox recommended.
preferred maximum width to be 200px.


Linksboard

Meet the people I love♥

friend friend friend friend
friend friend friend friend
friend friend friend friend
friend friend friend friend
friend friend friend friend

Pastentries

Are you sure you want to turn back the time and read about my past?

May 2009
June 2009
January 2010
March 2010
April 2010
May 2010
July 2010
August 2010
October 2010
December 2010
January 2011
February 2011
March 2011
April 2011
May 2011
June 2011
July 2011
August 2011
September 2011
October 2011
November 2011
December 2011
February 2012
April 2012
June 2012
July 2012
September 2012
May 2013


Creditorials

NEVER REMOVE THIS SECTION!

Layout Designer:
♥chocodiiction-lovesxoxo*
Others:


Sunday, January 30, 2011

Grabe! ang corn ko ah? pero pagbigyan niyo.. sobrang maungkot lang talaga ako ngayon..:(
Ngayong araw na ito ay namanhikan ang pamilya ni bear sa aming kapitbahay na sobrang malapit sakin dahil may balak nang lumagay sa tahimik si Ate V at si Kuya V na kapatid ng aking bear. Lahat ng miyembro ng kanilang pamilya maiban kay bear ay nagpunta at siyempre ay tinext din nila ako na magpunta din sa bahay nila Ate para maibahagi ko naman ang mga ideya ko sa kanilang kasal. Hindi pa nagkikita ang mama ko at ang mama ni bear(Tita O) kahit kelan kaya nagulat naman ako ng pinakiusapan ako na nais makilala ng personal ni tita O si Mama. 
Dali-dali akong umakyat sa ikaawang palapag at sinabe ito kay Mama at parehas kameng nagayos bago magpunta sa kabilang bahay. Doon ay nagusap sila ni Mama na ika nga ni Tita O ay nagheart-to-heart talk daw sila. Ikinatuwa ko naman dahil mukhang ayos naman ang kanilang paguusap. Tila ba nakalimutan na ang dating mga isyu na ngyare sa pagitan ng mga pamilya na na ngayon ay nasa iisang bahay at naguusap usap para sa nalalapit na kasal. Habang nag-uusap naman sila ay akoy may kausap din sa aking cellphone dahil ang kaibigan ko ay may nasabi ukol sa isang trabaho na maaari namin pasukin kaya pinukaw ko muna ang buong atensiyon ko sa aking kausap. Matapos kaming magusap ay maya maya naman ang nanay ko ang kinakailangang umuwi saglit para kausapin ang tito ko na nasa ibang bansa. Pag alis ng mama ko ay eto nagkwentuhan kameng lahat.
Tita O: Mabaet naman pala ang mama mo Shane.
Ate A: Oo nga nabigla niyo lang ni bear siguro dati dahil nagaaral ka pa.
Ako: Opo mabaet naman po ang mama ko haha!:)
Tita O: paanu yan shane? Malapit ka na palang umalis. Iiwan mo na si bear..
Ako: Hala! ayoko nga po..:(  ngayon ko lang nalaman po yan hindi po kasi ako ganu interesadong umalis.
Tita O: Sabe nga ng mama mo na nararamdaman niya na ayaw mong umalis. Siyempre pag dating mo dun hindi natin masasabi kung anu ang mangyayare. Sabagay kung kayo talaga kahit anung dumating man sa inyong dalawa e? kayo pa rin talaga..
Ako:*tahimik lang ngunit nakangiti,pinapakinggan ang bawat sabihin ni Tita O
Tita O: Panu kung may makilala ka dun na iba? Si bear naman ay sadyang lapitin lang ng babae.
Ako: * buhay na buhay na sumagot at nakangiti sa kanila..* hindi po… ayoko po.. ay tita! sinabe mo pa! lapitin talaga si bear!
Ate A: Oo nga di ba dun sa pinagtatrabahuhan niya eh may gusto yung babaeng may asawa na sa kanya? Haha! natatawa nga ako dahil pag inaasar namin eh kadiri naman daw! ang pangit pangit nun!
Ako: * tumatawa pero medyo nagaalala na..*
Ate A: panu yan shane? dapat pala ihanda mo na yung sarili mo itreasure niyo na yung panahon na magkasama pa kayo..Ang hirap kasi ng ganyan.. yung tipong kapag paalis ka na at yun na yung pagkakataon na kung saan yayakapin niyo na sa huling pagkakataon ang isa’t -isa bago ka umalis doon babalik ang lahat ng nangyare sa inyo dito.. maalala mo ang lahat-lahat. Alam naman ni bear na aalis ka di ba? hinahanda na nga niya yung loob niya eh.
Ako: *maligalig pa din ang pagsagot pero sa isip-isip koy kayanin ko kaya? unti-unti na akong nalulungkot* Kaya nga po eh.. Gora pa nga po siya eh.. ang sabe niya pagbalik ko ifile ko siya as fiancee para 3 months ang makasunod na siya sakin agad.
Masayang mukha ang pinakita ko habang kausap sila pero sa totoo lang lungkot na lungkot na ako…:( natatakot.. Don’t get me wrong, may tiwala naman ako kay Bear pero parang sobrang nalulungkot ako na magiging malayo ako sa kanya.:( Dahil nasanay ako na lage lang kameng magkasama malapit lang siya. yung tipong pag gusto ko siya makita sasakay lang akong papuntang Cubao para masundo ko siya sa trabaho at makita ko siya. Parang hindi ko kayang hindi ko siya makita..:( mahagkan at mayakap sa isang buong taon. Ang hirap… May internet nga, pero iba pa din kung nandito ako at nandito siya at magkasama kame… Nalulungkot ako, Natatakot na mawala siya.. Natatakot ako..:(Sobra..

Labels:

♥our lips must always be sealed
5:12 PM

Saturday, January 29, 2011

Sa totoo lang sobrang nadismaya talaga ako sa lakad ko ngayon kasama ang aking kaibigan/katrabaho sa hinaharap. Nagpunta kame sa hospital na kung saan nagpasa kame ng resume at sumabak sa pakikipanayam sa chief nurse ng nasabing hospital na kung saan ako’y sobrang ginisa dahil sa sobrang hirap ng mga tanong niya sa akin. (Pasensya naman unang beses ko ata sumabak sa interview sa pagaaply sa ospital) Masaya ako noon maging ang kaibigan ko sapagkat parehas kameng pumasa sa nasabing pakikipanayam  sa chief nurse na tunay namang napakasungit, at ang totoo ay kame ay bibigyan na lamang ng aming schedule para sa aming naturang duty sa ospital ng mapukaw naman sa media at senado ang isyu ng pagbabayad ng mga nurse para sa pagvovolunteer upang makakuha ng karanasan para maging isang mahusay na nurse. Nagantay kame ng tawag ngunit nakakalungkot mang isipin ay wala kameng natangap mula sa nasabing hospital kaya’t napagpasyahan namin na magtungo sa hospital na iyon at kumustahin at alamin naman ang aming estado. Ngunit habang papunta kame dun, nagkaroon na ako ng pakiramdam at naisip ko na malaki ang tiyansa na matatagalan pa ang aming pagpasok sa hospital dahil inabutan nga kame ng isyu pero nagtungo pa din kame. Dahil sa kadahilanang nais na din namin malaman kung kame ay may hinaantay talaga o wala. Sapagkat yun na lamang ang tanging dahilan kung bakit hindi kame makapaghanap ng trabaho.  Pagod na din naman kameng walang ginagawa lang sa bahay. Pumasok kame sa departamento ng human resources at doon ay nakita namin ang chief nurse na sobrang abala sa mga papeles na kelangan niyang tapusin sa araw na ito. Lumapit kame sa mesa ng chief nurse na kasaukuyang nakatalikod sa kanyang mesa at nakaharap sa kanyang computer. Inantay namin siyang lumingon sa amin para simulan ang usapan at makuha namin sagot sa aming mga katanungan.. Nakakalungkot dahil hindi nga ako nagkamali sa pag-aanalisa ko na mga bagay. Binuka ng chief nurse ang kanyang bibig at unti unti niyang ipinaliwanag ang aming katayuan, at yun ay walang iba kung hindi ay maghintay sa magiging resulta ng isyu sa senado  at kapag naging ayos na ang lahat ay handa naman silang tawagin kame muli, priority nga kame kumbaga. PEro kung talagang susuriin mo ay mukhang matatagalan ang pag-aayos ng isyu na ito sa senado at hindi naman ako makapapayag na walang mangyayare sa buhay ko habang nagaantay ng resulta. Hindi ko kayang umupo na lamang sa isang tabi at maghintay. gusto ko din naman maging kapakipakinabang. Masyado na akong nanlulumo sa sitwasyon ko na walang ginagawa. Nakakasawa na ito. Malungkot kame ng kaibigan ko noon, matapos namin marinig ang mga paliwanag ng chief nurse ay tumungo kame sa SMF para naman kahit papaano ay maibsan naman ang aming nararamdamang lungkot at makapagisip kung anu bang magiging plano namin ngayong ganito ang aming sitwasyon.Nawawalan kame ng pag-asa nun pero alam namin na ang bawat nangyayari ay may rason na tanging ang siya lang sa itaas ang nakaaalam at alam namin na ano man ang rason niya ay para ito sa ikabubuti namin. 
Dati pa man, sa tuwing masama ang loob ko ay pagkain na ang takbuhan ko para gumaan naman ang pakiramdam ko, buti naman at ang kaibigan ko din ay ganoon kaya kumaen na lamang kame ng doughnut sa krispy Creme. Umupo kame malapit sa upuan na nakalaan lamang para sa mga mambibili ng krispy Creme na katabi naman ng White hat. Nagkwentuhan kame doon at habang nagkwekwentuhan at naglalabas ng sama ng loob ay di namin maiwasan ang mapatingin sa napakalaking litrato ng produkto ng white hat. Naging iisa ang iniisip namin ng kaibigan ko, dali dali kameng lumapit sa tindahan nila at umorder at muli ay kumain at lumipat ng upuan malapit sa krispycreme pa din. Halos ilang dipa lang ang layo namin sa inuupuan namin kanina. Ang takaw namin. Haha! 
Matapos nun ay naglakad lakad kame saglit at sa aming paglalakad ay naisip ng kaibigan kong magpizzapocket haha! hindi ko alam yun kaya naenganyo ako na tikman din ito. Haha! Tunay namang masarap ito. Maya maya lang ay napagpasyahan kong magpunta sa bahay ng aking kaibigan para humiram ng libro, parang nais ko lang magbasa ng libro at ng malibang libang naman ako:) Sa tapat ng subdibisyon ng kaibigan ko ay may isang tindahan ng gamot doon na napakasikat dito sa pilipinas. Kung naranasan mo ng magkasakit o kung may nagkasakit man sa inyong pamilya ay sigurado akong isa ito sa pinakapinupuntahan mo para bumili ng gamot na magpapagaling sa kasalukuyang karamdaman. Habang kami ay naglalakad ay namataan ng kaibigan ko ang isang malaki ngunit medyo tagong poster na nakadikit sa salamin ng naturang tindahan ng mga gamot. Binasa namin ito at muli kaming nagkaroon ng pag-asa. Sapagkat ang nakita namin sa naturang poster ay ang anim na letra na kanina pa namin inaasam na makita at ito ay ang salitang “HIRING.” 
Naging malungkot man kame nung una dahil sa nawalang oportunidad pero kung magtitiwala tayo sa kanya na nasa itaas, sigurado na ituturo niya tayo sa landas na nararapat satin. Kaya heto ako ngayon nakangiti na, nabuhayan ang loob at muling ihinahanda ang sarili para muling makipagsapalaran para makakuha ng trabaho at maging produktibo. At sana sa aming muling pakikipagsapalaran ay  marinig na namin ang aming minimithi sa ngayon, ang mga katagang: “YOU ARE HIRED! CONGRATULATIONS!”

Labels:

♥our lips must always be sealed
3:19 PM

Thursday, January 27, 2011

BEAR: Bebe koh wag kna magalala ah? ikaw lang naman ang mahal ko at wala ng iba eh.. Kaw lang sa buhay ko.. I love you so much.. goodmorning mahal koh..(7:25am) 

ME: *sleeping BEAR: Bebe koh alam mo kahit sino pang diwata ang humarap diyan iisnabin ko lang yan dahi ikaw lang ang nasa puso't isipan ko..tandaan mo yan bebe koh.. tayong dalawa ang haharap sa simbahan taz ampogi ko nun kaw maganda.. haha!:) wag ka magalala di ko sisiraiun tiwala niyo sakin,.. I love you cheng..mwuahmwuahmwuah! (8:00 am) 

ME: *tulog pa din ako.. 

BEAR: Happy monthsary mahal kong shane.. 1 month na lang 2 years na tayo bebe koh.. hehe! I love you so much! wala tayong iwanan at palagi tayong honest sa isat isa.. kaw lang buhay ko mahal kong prinsesa..:) (9:50 am) 

ME: Happy 23rd monthsary bebe qh!!tama isang month na lang uit 2years na tayo.. nakakatuwa naman,. salamat bebe ko ah? Kasi mahal n mahal mo ko.. mahal na mahal din kita.. kahit anung mangyare wala ng iwanan ah? kundi sasabit kita patiwarik sa puno na madameng antique! haha!:pTsuptsupTusp! Iloveyou.. kagigising ko lang eh?hehhe! (sige na ako na ang late gumising!:D) 

Labels:

♥our lips must always be sealed
5:20 PM

Tuesday, January 25, 2011

I actually can’t wait for this day since huggy bear is coming over to my house so that we can have quality time since we’ve been busy with things. I told him to come over at 1 pm but I was so surprised when I woke up at 11:00 am and checked my phone for messages from here and BAM! there it was..
*1 message received
FROM HUGGY BEAR: Cheng are you awake already? Coz I’m on my way there. Let’s watch movie.  I’m going to buy snacks at SMF before going there so pls. wait for me. okay?
Woah! I said to come over at 1 pm and he is already on his way? so he’ll probably be here at around 12:00 noon. So I cleaned the house and took a bath after. When I was wearing my clothes I hear a knock on our gate so he was there outside waiting for me to open the gate:) When I opened our gate and told him to come in he gave me a box of doughnut and a plastic bag full of chips. We went upstairs at the common room so that we can prepare to watch the movie he just bought. It was titled Coming soon!Well I actually loved watching horror movies but I get scared afterwards because my imagination starts to go wild.. haha! And to tell you honestly this movie scared the shit out of me! haha! but it was okay because I have my huggy bear beside me who keeps on laughing at me because of my reaction when he scares me. hahaha! I soooo miss that! We both don’t know how to cook (but hey! I’m studying how to cook already), so we just cooked omelet and sauted corned beef with garlic and onions. We had fun cooking as well as eating of course! haha!:p I hope to see him soon coz I hate the feeling when I’m missing him so badly..But I’m so thankful for today! I really had fun my huggy bear..:) Ilove you so much..:)

Labels:

♥our lips must always be sealed
5:25 PM

Monday, January 24, 2011

On Christmas Eve I received the most perfect gift of all, the blessing of my parents regarding my relationship with my boyfriend. Before, there had been a lot of misunderstanding between my mom and I. She was very furious and totally hated my boyfriend forthat matter. But I guess, Christmas has its own magic to make people happy and feel loved. My mom then asked me to call my boyfriend and invite him to our house on Christmas so that she can meet the man that I love. With all the fear about what might happened but still hopes for something good to happen, I told her that he’ll come and meet us to spend time with us on Christmas eve. I was truly glad that my mom loved my boyfriend when she knew what kind of guy is my man. According to her she found him very charming, sweet and kind. A perfect man for me. I was really surprised to saw them very comfortable with each other that my mom already approved of him.:) There my boyfriend spent Christmas with us like he is already part of my family. I’m so happy that we’re already legal on my side of the family. Thank you for this wonderful gift, my Lord:) Oh.. my mom invited my boyfriend again for New year’s Eve. I’m so excited to see him again on new year’s eve. I just hope I don’t need to have my duty at night. hehe! Well here are some of the pictures:)


Happy Christmas Everyone!:D God bless you and your family:)



Labels:

♥our lips must always be sealed
6:14 PM

Saturday, January 22, 2011

I’m glad na inapproach ako ni Ate B regarding the issues na kumakalat tungkol samin ni bear. Buti na lang at naclarify ko na. Yung totoong kwento mula dun sa taong sangkot sa issue. Grabe.. iba pala talaga ang pagkakasabi ng iba kay Ate B. Pero masaya ako ngayon dahil nasabi ko yung totoo yung side naman namin. Lage kasing ang mga kwentong naririnig nila ay galing sa ibang tao. At least ngayon, for the first time, sakin naman nanggaling. Sa totoo lang.. hindi ako galit kay Ate B, dahil kung susuriin ko mabuti eh hindi naman sa kanya nagsimula ang lahat. Concern lang siya kay bear na kapatid niya… Humingi na din ako ng pakiusap na kung may maririnig man siya tungkol samin na galing nanaman sa ibang tao eh iclarify muna niya sakin, masaya ako dahil sumangayon naman si Ate B. Pinapahalagahan ko kung anung relasyon namin ni Ate B dahil masyadong malapit ang loob ko sa kanya..
Para naman sa isa kong ate na si ate V sana eh matuto siyang lumugar naman.. Matuto kung kelan ba dapat magsalita at itikom ang bibig. I mean hindi siya ang sangkot sa isyu? bakit kelangan niyang magkwento pa sa iba? kung babaliktarin ko ang sitwasyon at siya ang nasa katayuan ko, hindi bat maiinis din siya? Nandun na ako, concern si Ate V pero hindi din ba niya naisip kung anu naman ang magiging lagay ko sa pamilya ng bf ko dahil sa mga salitang binibitiwan niya sa ibang tao? Minsan sana maisip niya kung siya ba ang nasa katayuan ko at ako ang nanggaganyan sa kanya, matutuwa kaya sila ng bf niya? Mararamdaman din kaya niya ang pakiramdam ng trinaydor? bakit hindi na lamang siya manahimik at atupagin ang buhay niya katulad ng ginagawa ko.. May mga alam ako sa kanya positive man or negative pero kelanman hindi ako nagsalita ng laban sa kanya.. MARUNONG AKONG RUMESPETO NG PRIBADONG BUHAY NG IBANG TAO. Hindi ako galit sa kahit sino pa man… Ang pakiramdam ko lang ay NASASAKTAN AKO, dahil SA MGA TAONG NAKAPALIGID SA AKIN, HINDI KO ALAM KUNG SINO BA ANG MAPAGKAKATIWALAAN KO? Hindi nila alam kung gano ako nagdusa simula noon nung nagsimula silang magkwento ng may dagdag, akala ko huli na iyon… May pahabol pa pala.. Kelan pa ba matatapos ang ganitong mga isyu sa buhay buhay naming lahat? SANA ITO NA YUNG HULI..

Labels:

♥our lips must always be sealed
6:03 PM

Bakit ba napakadameng tao ngayon na walang magawa sa buhay nila kung hindi makialam sa buhay ng iba? Alam mo yun? napakahilig ng ibang sumawsaw sa isyu ng ibang tao na kung saan hindi naman sila involve at napakapersonal na. Buti sana kung pati yung mga magagandang bagay eh nasasabi nila kaso ang puro ipinararating sa iba ay puro paninira. Hindi ko maintindihan.. eto ba ang nararapat na kabayaran sa pananahimik ko dahil sa kinausap niya ako at ng nanay niya na wag magsalita sa kasintahan patungkol sa napaka dilim niyang nakaraan? Nanahimik ako hindi ko sila pinakialaman dahil alam kong buhay nila iyon at wala akong karapatang magsabi ng ganun sa iba dahil hindi naman ako ang dumaan sa ganung pangayayari.. pero hindi ba nila naisip na wala din naman silang karapatang manghimasok sa buhay ko at ikwento sa iba at palabasin na ako ang may pagkukulang o masama? Nakakalungkot lang kasing isipin na mas matanda sila sa akin pero bakit parang ako pa ang mature kung magisip samin? Nakakalungkot lang talaga… Ganun na ba kadame ang boy abunda at kris aquino sa mundo? Ang masakit pa ay malapit sila sakin… sa amin…:(
Anu ba ang maaring dahilan? Dahil ba ito sa inggit? pero kung susuriin, wala naman siyang dapat ikaingit pagkat siya pa itong malapit maayos ang buhay pag ibig at pamilya… inggit nga ba talaga? o sadyang tsismosa lang talaga?

Labels:

♥our lips must always be sealed
6:00 PM

Sunday, January 16, 2011

Back when i was still a nursing student, all I dreamed of was to finish my studies, graduate with high scholastic records, pass the Nursing Licensure Exam and finally work at a hospital to utilize my skills and knowledge to grow personally as well as professionally to EARN money and help my beloved family on our daily expenses. But now that I am already a registered nurse, why do I find it hard to get an employment in a hospital? They say experience is a must. Alright, they have a point I need to gain experience then but why does people from the hospitals I inquire about for basic skills training (so that I can slowly transition from a nursing student into a full professional) most of them say there are needed fees for that.  Do we really need to pay the hospitals for that? If you guys would be examining the issue, we nurses are ALREADY LICENSED PROFESSIONALS and is about to offer ourselves to RENDER SERVICES FOR FREE and the hospitals are really gaining an advantage on that and they still want us to pay for that?! I think that is already TOO MUCH TO ASK FROM US LICENSED PROFESSIONALS, don’t you think? 

Labels:

♥our lips must always be sealed
3:16 PM

Saturday, January 8, 2011

Kanina ay nagpasya kame ng aking kaibigan na magsimula ng magikot ng makahanap ng mapapasukang hospital. Nilibot namin simula Caloocan, Zabarte, Lagro hangang sa makapunta kame sa Tandang Sora. Hindi kame sanay sa mga ganitong lakaran, kumabaga unang beses lang namin ito nagawa sa tana ng buhay namin. Ininda ang taas ng sikat ng araw para lang makapagpadami ng kopya ng naturang resume at  iba pang dokumento na magpapatunay ng aming kredibilidad sa industriya ng medisina. Tunay kameng namulubi sa sobrang laki ng aming nagastos sa pagpapaprint at xerox ng naturang mga dokumento. Hindi rin kame nakakaen sa tamang oras sapagkat nais muna naming makumpleto ang mga kailangan namin dokumento para hindi kame pabalik-balik sa mga isa isahin naming ospital na pupuntahan.Ito rin ay para hindi na kame mahirapan at magastusan.
Sa paglalakad-lakad na aming ginawa patungo sa isang ospital at sa susunod pang ospital, iba’t-ibang tao ang aming nakasalamuha, mga taong masasbing subok na ang kakayahan at puno na ng ekspiryensiya sa larangan ng nursing. Sa bawat pag tapak ng aming mga paa sa pintuan ng opisina, samut-saring mga ideya ang pumapasok sa kaisipan namin. Kung ang makakausap ba namin ay mabait or mataray?nakakatakot o mukhang malumanay? Tunay na nakakatuwa sapagkat ang lahat ng nakausp namin ay pawang mababait na propesyunal. Ang mga mukha nila’y nakangiti habang nakikipagusap ng malumanay. Pakiwariy namin ay masarap makatrabaho ang mga ganitong klaseng mga nakatataas… 
Sa pag tapos ng araw ng aming biyahe, mga ngiti ang sa aming mga labi’y masisilip, pagkat alam namin na ang unang hakbang namin sa araw na ito ay patungo sa isang bukas na magbubukas ng pinto para sa aming kalinangan sa aming propesyon na magsasakatuparan sa aming mga pangarap.

Labels:

♥our lips must always be sealed
3:14 PM

Saturday, January 1, 2011

Celebrating the New year was so fun for me because my Huggy bear spent the new year with my family. It feels like he’s really now part of our family because I can see the way my parents treat him. They treat him as their own son:) I’m just so happy with the thought that I ended the year 2010 and started the year 2011 with my huggy bear, friends and my beloved family. That was just what I was hoping to happen and Voila! It happened:) I thank God for letting me meet these wonderful people that became a big part of my life. i’ll surely treasure these moments.


Labels:

♥our lips must always be sealed
6:07 PM