<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6306467917162010024?origin\x3dhttp://surreptitious-thoughts.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
TANGA KA BA SA PAG-IBIG?
May Expiration Date Yan. Antayin Mo Lang.

THE BLOGGER

The name is ELY. Pronounced similar to Alley but I don't live in alleys and neither could I be found there. I'm in love with Century Gothic, Kristen ITC and Rage Italic. And, abit of Tahoma. They're famous, like obviously you'll know who they are. I'm a die-hard fan of White, Pink and Gray. Not much of Black. Chocolate and Cheese are my two best friends, they're always by my side whenever I need them. My greatest enemies are Liar, Backstabber, Hypocrite and Nag. I hate them alot. World would be sucha better place without them all.

bold underlined strikethrough italic


WHEN HEART SPEAKS

"Sometimes you just need
one song to speak for
what you truly feel"


Sweetdesires

Did I hear someone said "cheese" or "chocolate"?

Ben & Jerry's Ice-Cream
Ipod Touch
Cinema: Watch Legion
Part-time Sales Assistant Job
That Handbag from Prada
Your wishes here


Tagboard

cbox recommended.
preferred maximum width to be 200px.


Linksboard

Meet the people I love♥

friend friend friend friend
friend friend friend friend
friend friend friend friend
friend friend friend friend
friend friend friend friend

Pastentries

Are you sure you want to turn back the time and read about my past?

May 2009
June 2009
January 2010
March 2010
April 2010
May 2010
July 2010
August 2010
October 2010
December 2010
January 2011
February 2011
March 2011
April 2011
May 2011
June 2011
July 2011
August 2011
September 2011
October 2011
November 2011
December 2011
February 2012
April 2012
June 2012
July 2012
September 2012
May 2013


Creditorials

NEVER REMOVE THIS SECTION!

Layout Designer:
♥chocodiiction-lovesxoxo*
Others:


Saturday, January 29, 2011

Sa totoo lang sobrang nadismaya talaga ako sa lakad ko ngayon kasama ang aking kaibigan/katrabaho sa hinaharap. Nagpunta kame sa hospital na kung saan nagpasa kame ng resume at sumabak sa pakikipanayam sa chief nurse ng nasabing hospital na kung saan ako’y sobrang ginisa dahil sa sobrang hirap ng mga tanong niya sa akin. (Pasensya naman unang beses ko ata sumabak sa interview sa pagaaply sa ospital) Masaya ako noon maging ang kaibigan ko sapagkat parehas kameng pumasa sa nasabing pakikipanayam  sa chief nurse na tunay namang napakasungit, at ang totoo ay kame ay bibigyan na lamang ng aming schedule para sa aming naturang duty sa ospital ng mapukaw naman sa media at senado ang isyu ng pagbabayad ng mga nurse para sa pagvovolunteer upang makakuha ng karanasan para maging isang mahusay na nurse. Nagantay kame ng tawag ngunit nakakalungkot mang isipin ay wala kameng natangap mula sa nasabing hospital kaya’t napagpasyahan namin na magtungo sa hospital na iyon at kumustahin at alamin naman ang aming estado. Ngunit habang papunta kame dun, nagkaroon na ako ng pakiramdam at naisip ko na malaki ang tiyansa na matatagalan pa ang aming pagpasok sa hospital dahil inabutan nga kame ng isyu pero nagtungo pa din kame. Dahil sa kadahilanang nais na din namin malaman kung kame ay may hinaantay talaga o wala. Sapagkat yun na lamang ang tanging dahilan kung bakit hindi kame makapaghanap ng trabaho.  Pagod na din naman kameng walang ginagawa lang sa bahay. Pumasok kame sa departamento ng human resources at doon ay nakita namin ang chief nurse na sobrang abala sa mga papeles na kelangan niyang tapusin sa araw na ito. Lumapit kame sa mesa ng chief nurse na kasaukuyang nakatalikod sa kanyang mesa at nakaharap sa kanyang computer. Inantay namin siyang lumingon sa amin para simulan ang usapan at makuha namin sagot sa aming mga katanungan.. Nakakalungkot dahil hindi nga ako nagkamali sa pag-aanalisa ko na mga bagay. Binuka ng chief nurse ang kanyang bibig at unti unti niyang ipinaliwanag ang aming katayuan, at yun ay walang iba kung hindi ay maghintay sa magiging resulta ng isyu sa senado  at kapag naging ayos na ang lahat ay handa naman silang tawagin kame muli, priority nga kame kumbaga. PEro kung talagang susuriin mo ay mukhang matatagalan ang pag-aayos ng isyu na ito sa senado at hindi naman ako makapapayag na walang mangyayare sa buhay ko habang nagaantay ng resulta. Hindi ko kayang umupo na lamang sa isang tabi at maghintay. gusto ko din naman maging kapakipakinabang. Masyado na akong nanlulumo sa sitwasyon ko na walang ginagawa. Nakakasawa na ito. Malungkot kame ng kaibigan ko noon, matapos namin marinig ang mga paliwanag ng chief nurse ay tumungo kame sa SMF para naman kahit papaano ay maibsan naman ang aming nararamdamang lungkot at makapagisip kung anu bang magiging plano namin ngayong ganito ang aming sitwasyon.Nawawalan kame ng pag-asa nun pero alam namin na ang bawat nangyayari ay may rason na tanging ang siya lang sa itaas ang nakaaalam at alam namin na ano man ang rason niya ay para ito sa ikabubuti namin. 
Dati pa man, sa tuwing masama ang loob ko ay pagkain na ang takbuhan ko para gumaan naman ang pakiramdam ko, buti naman at ang kaibigan ko din ay ganoon kaya kumaen na lamang kame ng doughnut sa krispy Creme. Umupo kame malapit sa upuan na nakalaan lamang para sa mga mambibili ng krispy Creme na katabi naman ng White hat. Nagkwentuhan kame doon at habang nagkwekwentuhan at naglalabas ng sama ng loob ay di namin maiwasan ang mapatingin sa napakalaking litrato ng produkto ng white hat. Naging iisa ang iniisip namin ng kaibigan ko, dali dali kameng lumapit sa tindahan nila at umorder at muli ay kumain at lumipat ng upuan malapit sa krispycreme pa din. Halos ilang dipa lang ang layo namin sa inuupuan namin kanina. Ang takaw namin. Haha! 
Matapos nun ay naglakad lakad kame saglit at sa aming paglalakad ay naisip ng kaibigan kong magpizzapocket haha! hindi ko alam yun kaya naenganyo ako na tikman din ito. Haha! Tunay namang masarap ito. Maya maya lang ay napagpasyahan kong magpunta sa bahay ng aking kaibigan para humiram ng libro, parang nais ko lang magbasa ng libro at ng malibang libang naman ako:) Sa tapat ng subdibisyon ng kaibigan ko ay may isang tindahan ng gamot doon na napakasikat dito sa pilipinas. Kung naranasan mo ng magkasakit o kung may nagkasakit man sa inyong pamilya ay sigurado akong isa ito sa pinakapinupuntahan mo para bumili ng gamot na magpapagaling sa kasalukuyang karamdaman. Habang kami ay naglalakad ay namataan ng kaibigan ko ang isang malaki ngunit medyo tagong poster na nakadikit sa salamin ng naturang tindahan ng mga gamot. Binasa namin ito at muli kaming nagkaroon ng pag-asa. Sapagkat ang nakita namin sa naturang poster ay ang anim na letra na kanina pa namin inaasam na makita at ito ay ang salitang “HIRING.” 
Naging malungkot man kame nung una dahil sa nawalang oportunidad pero kung magtitiwala tayo sa kanya na nasa itaas, sigurado na ituturo niya tayo sa landas na nararapat satin. Kaya heto ako ngayon nakangiti na, nabuhayan ang loob at muling ihinahanda ang sarili para muling makipagsapalaran para makakuha ng trabaho at maging produktibo. At sana sa aming muling pakikipagsapalaran ay  marinig na namin ang aming minimithi sa ngayon, ang mga katagang: “YOU ARE HIRED! CONGRATULATIONS!”

Labels:

♥our lips must always be sealed
3:19 PM