
Saturday, January 22, 2011
I’m glad na inapproach ako ni Ate B regarding the issues na kumakalat tungkol samin ni bear. Buti na lang at naclarify ko na. Yung totoong kwento mula dun sa taong sangkot sa issue. Grabe.. iba pala talaga ang pagkakasabi ng iba kay Ate B. Pero masaya ako ngayon dahil nasabi ko yung totoo yung side naman namin. Lage kasing ang mga kwentong naririnig nila ay galing sa ibang tao. At least ngayon, for the first time, sakin naman nanggaling. Sa totoo lang.. hindi ako galit kay Ate B, dahil kung susuriin ko mabuti eh hindi naman sa kanya nagsimula ang lahat. Concern lang siya kay bear na kapatid niya… Humingi na din ako ng pakiusap na kung may maririnig man siya tungkol samin na galing nanaman sa ibang tao eh iclarify muna niya sakin, masaya ako dahil sumangayon naman si Ate B. Pinapahalagahan ko kung anung relasyon namin ni Ate B dahil masyadong malapit ang loob ko sa kanya..
Para naman sa isa kong ate na si ate V sana eh matuto siyang lumugar naman.. Matuto kung kelan ba dapat magsalita at itikom ang bibig. I mean hindi siya ang sangkot sa isyu? bakit kelangan niyang magkwento pa sa iba? kung babaliktarin ko ang sitwasyon at siya ang nasa katayuan ko, hindi bat maiinis din siya? Nandun na ako, concern si Ate V pero hindi din ba niya naisip kung anu naman ang magiging lagay ko sa pamilya ng bf ko dahil sa mga salitang binibitiwan niya sa ibang tao? Minsan sana maisip niya kung siya ba ang nasa katayuan ko at ako ang nanggaganyan sa kanya, matutuwa kaya sila ng bf niya? Mararamdaman din kaya niya ang pakiramdam ng trinaydor? bakit hindi na lamang siya manahimik at atupagin ang buhay niya katulad ng ginagawa ko.. May mga alam ako sa kanya positive man or negative pero kelanman hindi ako nagsalita ng laban sa kanya.. MARUNONG AKONG RUMESPETO NG PRIBADONG BUHAY NG IBANG TAO. Hindi ako galit sa kahit sino pa man… Ang pakiramdam ko lang ay NASASAKTAN AKO, dahil SA MGA TAONG NAKAPALIGID SA AKIN, HINDI KO ALAM KUNG SINO BA ANG MAPAGKAKATIWALAAN KO? Hindi nila alam kung gano ako nagdusa simula noon nung nagsimula silang magkwento ng may dagdag, akala ko huli na iyon… May pahabol pa pala.. Kelan pa ba matatapos ang ganitong mga isyu sa buhay buhay naming lahat? SANA ITO NA YUNG HULI..
Labels: My thoughts of him
♥our lips must always be sealed
6:03 PM