
Saturday, January 8, 2011
Kanina ay nagpasya kame ng aking kaibigan na magsimula ng magikot ng makahanap ng mapapasukang hospital. Nilibot namin simula Caloocan, Zabarte, Lagro hangang sa makapunta kame sa Tandang Sora. Hindi kame sanay sa mga ganitong lakaran, kumabaga unang beses lang namin ito nagawa sa tana ng buhay namin. Ininda ang taas ng sikat ng araw para lang makapagpadami ng kopya ng naturang resume at iba pang dokumento na magpapatunay ng aming kredibilidad sa industriya ng medisina. Tunay kameng namulubi sa sobrang laki ng aming nagastos sa pagpapaprint at xerox ng naturang mga dokumento. Hindi rin kame nakakaen sa tamang oras sapagkat nais muna naming makumpleto ang mga kailangan namin dokumento para hindi kame pabalik-balik sa mga isa isahin naming ospital na pupuntahan.Ito rin ay para hindi na kame mahirapan at magastusan.
Sa paglalakad-lakad na aming ginawa patungo sa isang ospital at sa susunod pang ospital, iba’t-ibang tao ang aming nakasalamuha, mga taong masasbing subok na ang kakayahan at puno na ng ekspiryensiya sa larangan ng nursing. Sa bawat pag tapak ng aming mga paa sa pintuan ng opisina, samut-saring mga ideya ang pumapasok sa kaisipan namin. Kung ang makakausap ba namin ay mabait or mataray?nakakatakot o mukhang malumanay? Tunay na nakakatuwa sapagkat ang lahat ng nakausp namin ay pawang mababait na propesyunal. Ang mga mukha nila’y nakangiti habang nakikipagusap ng malumanay. Pakiwariy namin ay masarap makatrabaho ang mga ganitong klaseng mga nakatataas…
Sa pag tapos ng araw ng aming biyahe, mga ngiti ang sa aming mga labi’y masisilip, pagkat alam namin na ang unang hakbang namin sa araw na ito ay patungo sa isang bukas na magbubukas ng pinto para sa aming kalinangan sa aming propesyon na magsasakatuparan sa aming mga pangarap.
Labels: Life of A Nurse
♥our lips must always be sealed
3:14 PM