Ang sabi nila para maging matatag at maging matibay ang isang pagsasama kelangan ng love, communication at higit sa lahat ay trust. Pero paano kung tunay na mahal mo pa din ang partner mo pero minsan ka na niyang niloko? Nasaktan ka at siyempre hindi maiiwasan na mawala ang tiwala mo sa kanya? At siyempre bilang isang nagmamahal na lubos na nasaktan at niloko ay magagalit at di maiiwasan na lumayo, maaaring pansamantala o ang kadalasan ay permanente na. Pero paano kung sa oras na iyon na alam niya na maari kang mawala sa kanya e narealize na ang kanyang pagkakamali at ang importansiya mo sa kanya? Umiyak siya sa harap mo humingi ng tawad at sinabing hindi niya uulitin ito at magsimula ulit kayo..
Papayag ka pa ba?
Kung ako ang tatanungin mo? Oo papayag ako.. sabihin niyo man na tanga ako dahil niloko na nga niya ako at kung tatangapin ko siya eh maaring gawin niya ulit ito sa akin.. handa akong magtake ng risk muli. Bibigyan ko siya ng pangalawang pagkakataon. Siyempre katulad nga ng nasabi sa kantang “Choco latte” ng Parokya ni Edgar mahirap ng ayusin ang tiwala kapag nasira. Kaya’t sa pangalawang pagkakataon na ito siyempre dapat mageffort muli ang partner ko na magearn ng tiwala ko. siguro marahil most ng tao na makakbasa nito ang iisipin eh maaring hindi na ito magworkout since maaring ulitin nga at hindi basta basta malilimutan ang ganung mga bagay lalo na at ito’y napakasakit. Pero ang sa akin lang naman eh, kung makita ko na naman ang pagsisisi sa kanyang mga mata at nageefort talaga siya para magwork-out ulit ang relationship na ito. Handa ko siyang patawarin ng buong puso, tanggapin na siya’y nagkamali at muling mahalin siya ng buong buo. Dahil kung itatanim ko pa din sa loob ko ang pighati at sakit na naidulot sa akin ng ginawa niya, kahit anung effort pa ang gawin niya kelanman hindi na ito magwoworkout dahil ikaw mismo sa sarili mo eh hindi mo pa natatangap ang nagawa niya ng buong puso. Di maglalaon eh hindi malayo na isumbat mo sa partner mo ang pagkakamaling iyon at maging dahilan ng paghihiwalay. At dahil dito dalawang taong nagmamahalan na dapat ay magkasama ay unti -unting maglalayo.
Labels: My thoughts of him
♥our lips must always be sealed
3:02 PM

Labels: My thoughts of him
♥our lips must always be sealed
2:41 AM