<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/6306467917162010024?origin\x3dhttp://surreptitious-thoughts.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
TANGA KA BA SA PAG-IBIG?
May Expiration Date Yan. Antayin Mo Lang.

THE BLOGGER

The name is ELY. Pronounced similar to Alley but I don't live in alleys and neither could I be found there. I'm in love with Century Gothic, Kristen ITC and Rage Italic. And, abit of Tahoma. They're famous, like obviously you'll know who they are. I'm a die-hard fan of White, Pink and Gray. Not much of Black. Chocolate and Cheese are my two best friends, they're always by my side whenever I need them. My greatest enemies are Liar, Backstabber, Hypocrite and Nag. I hate them alot. World would be sucha better place without them all.

bold underlined strikethrough italic


WHEN HEART SPEAKS

"Sometimes you just need
one song to speak for
what you truly feel"


Sweetdesires

Did I hear someone said "cheese" or "chocolate"?

Ben & Jerry's Ice-Cream
Ipod Touch
Cinema: Watch Legion
Part-time Sales Assistant Job
That Handbag from Prada
Your wishes here


Tagboard

cbox recommended.
preferred maximum width to be 200px.


Linksboard

Meet the people I love♥

friend friend friend friend
friend friend friend friend
friend friend friend friend
friend friend friend friend
friend friend friend friend

Pastentries

Are you sure you want to turn back the time and read about my past?

May 2009
June 2009
January 2010
March 2010
April 2010
May 2010
July 2010
August 2010
October 2010
December 2010
January 2011
February 2011
March 2011
April 2011
May 2011
June 2011
July 2011
August 2011
September 2011
October 2011
November 2011
December 2011
February 2012
April 2012
June 2012
July 2012
September 2012
May 2013


Creditorials

NEVER REMOVE THIS SECTION!

Layout Designer:
♥chocodiiction-lovesxoxo*
Others:


Saturday, June 25, 2011

Ang kasama kong nastranded sa baha kanina
So ayun kahapon kahit na bumabagyo ng malakas at suspended na ang mga klase eh wa epek para sakin dahil pumupunta na ako ng Manila para hindi pumasok sa school kung hindi para magtrabaho… Nagpahatid na lang ako sa Daddy ko sa sakayan ng Fx para naman di mabasa ang shoes ko sa kakalakad papuntang sakayan. Sumakay ako ng fx papuntang Quiapo at bumaba sa Morayta. Grabe pa din ang buhos ng ulan!!! (My gulay!) Hindi na ako nakasakay ng jeep noon kasi hindi ko pa naisip na mejo baha na sa lalakaran ko kasi naman di pa ganun kalakas ang ulan ng mga oras na iyon (at isa pa tinitipid ko din ang 8 pesos ko nun.. hahahaha! Kasi naman mejo malapit lang naman) Pero mali pala ako ng desisyon. Dapat pala di ko na tinipid ang 8 pesos ko kung mababasa din lang ang bago kong sapatos! (kamusta naman di ba? binyag agad?!) so kahit anung bagal ko pa maglakad at ingat para hindi lang mabasa ang new shoes ko eh waley pa din dahil yung mismong papasok sa hospital entrance eh mejo nagstastart ng magbaha. So in short nabasa pa din siya. Kainis lang… Tapos nung mag 11 pm na malapit na ang inaasam kong uwian eh.. Ang kasabay ko lageng umuuwe ay ang aking mabait na kaibigan at colleague na si Nikki.
Hindi kame makaalis ni Nikki dahil sa balitang balita na sa tv na bumabaha na sa may Espana at sa may Araneta Ave.
Buti na lang at mejo humina ang ulan saglit at kame ay nakaalpas sa ospital. Nag pedicab kame na may motor (kuliglig ba tawag dun?) at ibinaba kame sa lumulubog na kanto ng P.campa. Naglakad kame papunta sa may kanto papuntang Lerma pero hanggang tuhod ang taas ng maiitim na tubig baha. Ang dugyot na ng pakiramdam namin pareho ni Nikki at isa pa naalala kong may sugat pala ako sa paa kaya hindi din ako nakipagsapalaran na lumusong sa baha at baka magkaron pa ako ng isa pang usong sakit kapag malakas ang ulan, ang Leptospirosis. Kaya nagbayad kame kay manong pedicab driver para itawid kami sa lerma.Nakasakay naman kame ng bus pero hindi umaandar dahil takot silang tumirik sa daan kaya wala kameng nagawa kundi magpicture picture at panoorin ang mga tao na lumusong sa baha. Mga 1 am na ako nakarating ng bahay pala.

Kamusta naman noh? buti kung makauwe at makasakay kame papuntang fairview.

Labels:

♥our lips must always be sealed
2:31 PM

Tuesday, June 21, 2011

Ang totoo niyan may duty tlaga ako ngayon eh, nakipagpalitan lang ako sa colleague ko para makapagdayoff ngayon na off din ni bear. Para kasing wala na kameng quality time eh.. At main agenda ko ang magpunta sa Max para matry ang chicken all you want nila.. haha! pero since 6 pa ang start nun, Nasa bahay lang kame ngayon at naghahappy happy with my family and bear..:)

Sana maya maya mejo humina yung ulan para di kame mabasa mamaya. haha!:p Laterz!:)

Labels:

♥our lips must always be sealed
2:46 PM

Friday, June 17, 2011

Halos lahat ata ng kakilala ko ngayon eh puro kasal ang pinaguusapan… Kesyo gusto nila ng ganyan o ng ganito pag kinasal. Sa akin? gusto ko lang isang simpleng kasal, hindi sobrang garbo, pero nanduon lahat ng importantent mga tao na mahalaga para sa amin ng magiging kabiyak ko, mga cute na souvenirs, masasarap na pagkaen at siyempre sa simbahan ang kasalan.. Pero higit sa lahat ng nabangit ko eh, ang pinakagusto ko pag kinasal ako eh makita ang lalaking pinakamamahal ko na nakasuot ng puting coat posturang postura nakatayo malapit sa altar at nakangiting nagaantay sa pagpasok ko sa simbahan para antaying ibigay ang kamay ko ng aking mahal na ama sa kanya at ihatid ako sa harap ng altar at doon bigkasin ang dalawang salita na siyang magiisa samin sa mata ng diyos at mga tao, “I DO..”

Labels:

♥our lips must always be sealed
3:19 AM

Tuesday, June 14, 2011

Kahapon konti lang ang pasyente namin, tipong sobrang tumal. Nakakabored pala yung ganung tipong hinahanap-hanap ko ang katoxican sa buhay para naman di mamalayan ang oras… Pero dahil sa suuuupppppeeeerrrr bored talaga ako noon eh kung anu-anu na lang ang pinagagagawa ko. Hanggang sa humawak na lang ako ng pulang ballpen ni Chel(Ganda kasi ng tinta ng ballpen niyang red.. fine tech pa ata yun) at nagsimulang igalaw ang kamay at idampi ang point ng pen sa isang blank form namin sa ospital na kung saan dun nakalagay ang mga vitalsigns ng pasyente ko para after ng rounds eh diretso vital signs na din sa kanila para di pabalik-balik at ayun nga eto ang naging kalabasan ng sobrang boredom ko
At dahil dalawa kame ng friend ko niyan na duty eh… naisipan kong dalawa din ang iguhit..Isang payat na babae na kumakatawan kay Chel at isang matabang babae since ako nga si chubbycheng. hehe!:D
Meron nga din pala akong isang pasyente doon na hindi naman guwapo pero cute siya.. Kaso 19 years old siya.. hahaha! so masyadong bata para samin ng friend ko.. haha! Crush namin siya at hanggang doon na lang iyon.. ahahaha! Natuwa lang kame sa kanyang mommy since nung bandag miryenda time na dahil 7-3 ang shift ko.. pumunta siya sa station at nagbigay ng isang Cheesecake na napakasarap naman talaga… At dahil na din ata sa birthday nung kapatid ni Mr. Cute. Eto yung cheesecake oh? ang sarap niyan sobra! tipong di namin matigilan ni Chel sa kakakaen niyan.. haha!San kaya yan nabibili?
Ang sarap ng cheese cake na ito

Labels:

♥our lips must always be sealed
2:36 PM

Saturday, June 11, 2011

Honestly speaking, I love eating sweets as well as those pastries that has a lot of cheese.Haha! So whenever bear and I fight, he usually go over to our house to say sorry and all then a minute later after we talked things out, Tada! He gives me a food that I really love. Actually this was the one he brought earlier...:D


Thank you so much my huggy bear!!! I love you so much..I really don't know but even if I'm so pissed at you whenever I see you walking towards me, Smiling... I can't help it but to smile back and let the feeling of Love take over the feelings of hatred that I had a moment ago..I guess that's how much I really love you..

Labels:

♥our lips must always be sealed
12:38 PM

Friday, June 10, 2011

Siguro nagtataka kayo sa mga posts ko na kung saan nababangit ko ang huggy bear o bear. Ito kasi ang tawag ko sa aking mapagmahal, mabait at cute kong boyfriend:)(o dapat bear ilibre mo na ako niyan.. hehe) Tinatanong niyo siguro kung bakit? Kasi nung una ko siyang nakita at nakilala, sikat noon ang kantang, ” may tatlong bear sa loob ng isang bahay, si papa bear, si mama bear, si baby bear. Si papa bear ay napakalakas, si mama bear ay napakaganda, si baby bear ay napakaliksi. Tingnan niyo.. tingnan niyo Ang saya nila!” Sounds familiar ba? kinanta niyo siguro noh? hahahaha! Favorite ko noon ang Full house tapos ayun nga nung pinakilala siya sa akin chubby pa siya noon at pag tinititigan ko siya, parang may pagkahalintulad siya sa isang cute bear. Kaya simula noon ang tawag ko na sa kanya ay My huggy bear. 
Sa totoo lang mas gusto ko yung unique ang tawag ko sa mga taong special sa akin. Ayoko ng may tawag sa kanila na may kaparehas, kasi gusto ko pag narinig nila na may tumawag sa kanila ng ganoon alam na nila kung sino at tanging tao na tumatawag sa kanila ng ganoon:D I love my Huggy Bear so much!!!:D Namimiss ko na din siya ng sobra…:D
Nung unang beses ko siyang makilala at maging kaclose

Labels:

♥our lips must always be sealed
2:43 PM

Wednesday, June 8, 2011

So kanina 7-3 am ang shift ko at dahil sa nagsimula ng magpasukan sa monday eh soooobbbrang hirap na ulit sumakay at ssooooobbrang trapik na din.. ending ng story ko eh.. ayun nalate ako.. 15 minutes late… tapos pag kadating ko sa may station ko.. ang daming pasyente.. andaming naadmit pala nung pagkauwe ko kahapon.. As in spell toxic ang drama ng lola niyo kanina.. pero hindi ko alam kung anung meron sa nursing at kahit nakakapagod at toxic ang mundong ito na ginagalawan ko.. hindi ko makuhang magreklamo.. Actually nageenjoy pa ako eh.. ahahaha! siguro ganun talaga ang pakiramdam kapag gusto ng isang tao ang ginagawa niya.. I’m just so happy na bumalik ako sa field ko…:) buti na lang nakasaglit kame ng mga kasama ko para magpicture picture.. Eto nga pala ang mga kasama ko sa duty:
L-R:  Ma'm Joy, Rachelle, Christian, Jen, Jerah and Me.:)
with Nikki

Labels:

♥our lips must always be sealed
2:29 PM

Tuesday, June 7, 2011

Sa totoo lang ako kasi yung type ng girl na gusto ko nakakasama ko at times yung mahal ko. Nakakausap ng personal, nakakaharutan at nagkakasama sa mga importanteng mga panahon sa buhay ko at ganun din sa kanya. Yung ang totoong rason ko kaya ayoko ng nagboboyfriend ng malayo. Para sakin kasi nahihirapan ako sa isang Long distance relationship o LDR. Kaya saludo talaga ako sa mga taong kaya nila ang LDR dahil sa totoo lang mahirap ang LDR pero napakafulfilling kung hanggang sa huli eh kayo pa din at nalagpasan niyo lahat ang pagsubok:)
So ayun nga, dahil sa ganun nga ang gusto ko talaga eh talagang nagseset kame ng araw ni bear para lumabas ng kame lang.. Quality time nga kung baga. Tipong magkwekwentuhan lang kame at kung anu anung bagay pa na masaya ang gagawin namin ng magkasama. Pwedeng sa mall or kahit sa bahay na lang namin.. Hindi naman kasi importante sakin kung nasaan kame, ang importante eh ang kasama ko siya sa tabi ko at ang lahat ay susunod na lang sa agos ng kung anu ang trip naming gawin. Swerte lang kame dahil nakilala namin nang tunay ang isa’t - isa kaya ganoon na lang kame kacomportable kapag magkasama. Tipong kaya naming maging best friend at partner sa isa’t isa. Masasabi ko lang.. wala na akong hihingin pang iba pagdating sa lovelife. Dahil sa totoo lang ibinigay na niya ang matagal ko ng hinahanap sa isang partner in life… At siya na iyon…:)

Labels:

♥our lips must always be sealed
2:54 PM

Sunday, June 5, 2011

Bear: Alam mo ba Cheng nung dalawang linggo kitang hindi nakita kapag nagyayaya yung mga kawork ko na lumingon doon       sa isang banda kasi may maganda at seksing babae.. Hindi ko gusto na lumigon pa at magsayang ng oras. Kasi hindi naman ikaw yun.. :( gusto ko ikaw ang makikita ko... 

Cheng: *blush* (natameme ako. bwuahahahahaha!) 

Labels:

♥our lips must always be sealed
2:56 PM

Friday, June 3, 2011

Haha! Natawa naman ako kay bear..:) napakalungkot ko kanina pero okay na ako ngayon…:)haha! sige na kame na macorn.. haha! minsan lang naman ee..:)pagbigyan niyo na..:)hehehehe!:p I love it!:D

Labels:

♥our lips must always be sealed
2:14 AM