Naranasan mo na ba yung sobrang magmahal na tipong handa kang magpakatanga sa isang tao dahil lang sa kadahilanang mahal mo siya? Ako oo.
Sa totoo lang hindi ako katulad ng iba na magpapakatanga sa isang lalake. Madalas ko pa ngang sabihin na hindi ako papakatanga sa isang lalake lang kahit mahal ko pa yan. Buong buhay ko ganun ang way ng pag-iisip ko ayon sa paksang iyan. Pero di ko inakalang lulunukin kong lahat ng iyon. Siguro dahil lang sa hindi pa talaga ako na-inlove noon hanggang sa makilala ko siya...
Barkada ko siya. Hindi siya ganun kagawapo or kabaet pero matangkad siya at may x factor talaga siya sa pagpapatawa (yung tipong titingnan mo lang ang mukha niya eh matatawa ka na talaga sa kanya.) Hindi ko alam kung anung meron pero mas madalas talaga akong nagkakagusto sa isang lalakeng magaling talaga magpatawa. Naging close kame, lage magkasama at nagkakaasaran.Hindi ko namamalayan na unti-unti na palang nahulog ang loob ko sa kanya. Napansin ko na lang na kapag nagpapacute siya sa ibang babae eh nalulungkot ako. Nasasaktan.Hanggang sa inamin ko sa lahat ng kabarkada namin na gusto ko siya. Tangin siya na lang ang hindi nakakaalam. Boto naman sila samin if ever. Nakikita naman kasi nila na masaya kame at kapag kelangan niya ng kasama eh ako ang lageng hinihila niya sa lahat saming mga babae. Minahal ko siya ng palihim hanggang sa isang araw biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Yun pala ang hindi ko alam eh yung isang lalake na kabarkada namin ay sinabe na may gusto ako sa kaniya. Nagkaalamanan kaming dalawa. Gusto ko siya pero siya kaibigan lang ang tingin niya sakin.
Ginawa ko lahat ng makakaya ko para makuha ko ang loob niya pero wala pa din. Napagpasyahan kong itigil na ang kabaliwan ko, bumili ako ng isang bagay at ibinigay ko kanya at nugn pauwe na kame nagthank you lang ako sa lahat ng memories at hinalikan siya sa pisngi tanda ng pagpapaalam ko na lalayo na ako. Unti-unti na akong nakalimot ng biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Siya na ang nagpaparamdam. Siya na ang naghahabol. Malamang ang may nabago dahil sa huling halik na iyon.
Pursigido naman siya at dahil sa mahal ko pa din naman siya sinagot ko din siya. Naging kame, masaya sa una, pero naging madameng dissapointments sa end ko. Sobra ang pag-alaga ko sa kanya pero hindi ko maramdaman iyon sa kanya. Yun pala meron na siyang ibang nahanap... Bigla siyang hindi nagparamdam at hinayaan akong habulin siya para makausap kung ano na ba talaga ang estado namin. Sana sinabe niya na lang na may iba na siya na ayaw na niya. Pero nanahimik lang siya at ng tinanong ko kung bakit, ang tanging nasambit lang niya sa akin ay dahil sa nahihirapan na siya sa akin, na lage kameng nagaaway. Pero siya din naman ang gumagawa ng paraan para magalit ako (dahil pinagsisinungalingan niya ako.) Okay na sana ang lahat matatangap ko na sana ang sinabi niyang iyon pero may nagsabi sakin na kaibigan ko na kame palang pala noon eh may hinahatid na siyang ibang babae. Tipong kaya pala wala siyang sapat na oras sa akin. Dahil sa iba... dahil sa babaeng iyon. Aminado ako maganda siya at sexy pero hindi naman siguro sapat na dahilan iyon para pagmukhain niya akong tanga.
Umiyak ako, nasaktan at nagpakatanga ng sobra. Nilunok ang pride at ibinaba ang sarili ko ng sobra noon. Pero ngayon gising na ako... Alam kong matalino ako at hindi ko deserve ang mga ganitong bagay. Kinalimutan ko siya at di dumepende sa ibang tao para lumigaya ako. Hangang sa dumating si bear sa buhay ko. ipinakita niya ang pagmamahal at pag-aalaga na dapat na ibinibigay sa akin. Dahil sa kanya masasabi ko na buhay na ulit ako. Na binuhay niya muli ako... Salamat sayo my huggy bear..
Labels: ang nakaraan naalala ko lang.., I Speak Little
♥our lips must always be sealed
2:15 PM