Oo. Ako din siguro ang may kasalanan dito:'( pinagdudahan kita ng sobra sobra. pero hindi naman kasi ganun kadali din kalimutan ang lahat ng ginawa mo lalo na kung di ka rin naman consistent sa mga ginagawa mo. Oo, takot na ako. takot na takot. Sana naisip mo yun na ikaw din ang naglagay ng takot sakin na ito kaya sana pinagtyagaan mo man lang alisin. Sana naisip mo na kung anong mga bagay ang kailangan mong gawin na makakabuti para sating dalawa. Sana inintindi mo ako kung bakit ako nagkaganito. Sana naisip mo na hindi naman ganun kadali ibalik ang tiwala ng isang tao na magkakaroon talaga ng mga panahon na magdududa ako. Kailangan mo lang naman akong sabihan kung gaano mo ako kamahal at na hindi mo ako iiwan na hindi mo aq ipagpapalit sa kahit na kanino kasi ako lang ang mahal mo at mamahalin mo? Alam ko maaaring nakakasawa ito sa part mo pero sinabi mo din naman na handa mo gawin ang lahat di ba? Sabi mo handa kang gawin ang lahat maituwid mo lang ang lahat. Na hindi mo na ako sasaktan? Nasan na ang lahat ng iyon?:'(
Bakit ngayon gusto mong magpahinga tayo? Sinusuko mo na ba ako mahal ko?

Sa totoo lang naisip ko siguro kaya ko na. na hindi na ganun kasakit kung sakaling ayaw mo na talaga na one day sabihin mo sakin ang mga ganitong bagay eh di na ako sobrang masasaktan di tulad nung unang beses mo ako na sobrang nasaktan. Pero mali pala ako. pagdating pala talaga sayo, kahit anong lakas ko, mahina pa din ako. Kasi mahal na mahal kita. Ang hirap isipin na ang pinangarap kong buhay na tumanda kasama ka, mawawala na lang bigla. Kasi sumuko ka.

Ako? eto ngayon.. walang wala. Wala akong makapitan ni isa. kasi ikaw lang ang kinakapitan ko

Ikaw lang ang nagpapasaya sakin kahit gaano pa kapanget ng araw ko, kahit gaano pa kahirap ang buhay ko. Kasi anjan ka lang sa tabi ko. Alam kong may uuwian ako na isang tao na mahal ako. na ang distansiya na ito na nagsesepara satin ay mawawala din pagdating ng panahon. Na makakasama din kita hanggang sa mawalan na ako ng buhay pagdating ng panahon. Pero ngayon, mukhang unti unti ng mawawala ang lahat ng iyon sa hangin..
